Kapag natapos mo na ang iyong karanasan at mga babasahin na nakapaloob sa modyul na ito, ikaw ay magsasagawa ng pagtalakay tungkol sa paksang ibinigay sa ibaba. Gamitin sa proyektong ito ang lahat ng iyong mga natutunan.

1. Ang magiging paksa ng iyong gagawing pagtalakay ay Hustisya sa Pilipinas. Suportahan ng pananaliksik ang lahat ng iyong ideya o argumento. Ito ay maaaring sa paraang naratibo, deskriptibo, ekspositori o argumentatibo.
2. Isagawa ito sa paraang bidyo blog. Hindi lalagpas sa 5 minuto ang gagawing bidyo blog.