Nabalam si Basilio, sa kanyang pag-uwi sa tahanan ni Kapitan Tiago dahil nahuli ang kutserong si Sinong sa iba't ibang paglabag nito sa batas. Nadakıp, dinala, at sinaktan ang kutsero sa kuwartel kayâ naglakad na lamang si Basilio Naghugas-kamay ang mga taong may
kasalanan sa masasakit at mapapait na nangyari sa buhay ni Kabesang Tales. Binalikan ni Basilio ang puntod ng ina at muli niyang nagunita ang masaklap na nangyari sa kanilang buhay. Pasko nang umalis si Juli upang manilbihan at nang mapunan ang kulang na salaping pantubos sa mga tulisang bumihag sa amang si Tales. Nagdatingan at naglabas ng natatagong salapi ang mga taga-Tiani at taga-San Diego upang bumili ng mga mamahaling alahas kay Simoun gayong ang iba ay halos walang naani sa sakahan. Sa dating lupain ng mga Ibarra na pag-aari na ni Kapitan Tiago ay natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun Gayong ito ay iginagalang at kinikilalang malapit sa kapitan heneral ay nalaman niyang nangungumbinsi pala ito ng mga taong mapabibilang sa inoorganisa niyang himagsikan. Masipag at mapayapang mamamayan si Kabesang Tales subalit naging marahas at napilitan pang kumitil ng buhay nagawa pang pumatay nang mawala ang lahat sa kanya dahil sa kawalang katarungang natamo niya at ng kanyang pamilya. Masayang naghuhuntahan ang matataas at kilalang tao ng lipunan sa itaas ng Bapor Tabo. Makasaysayan ang Ilog Pasig dahil iba't ibang kuwento ang narinig dito ng mga pasahero mula sa kapitan ng barko, Padre Salvi, at Padre Florentino. Hindi alintana ng mga pasaheho ang init, siksikan, ingay, at iba pang kaguluhan sa ibaba ng barko kaya nakapag-usap pa nang masinsinan ang magkaibigang Basilio at Isagani