pasagot po please!
FILIPINO PO ITO LAST NA PO ITO SA FILIPINO

Answer:
Itinuro ng mga propeta sa mga Huling Araw na, “Ang mga ina ang may pangunahing tungkulin na mag-aruga ng kanilang mga anak” (35602 893). Kailangang pag-ukulan ng oras ng ina ang kanyang mga anak at ituro sa kanila ang ebanghelyo. Dapat siyang makipaglaro sa kanila at gumawang kasama nila upang matuklasan nila ang mundo sa paligid nila. Kailangan din niyang tulungan ang kanyang pamilya na matutuhang gawing kaaya-ayang tirahan ang tahanan. Kung siya ay malambing at mapagmahal, tinutulungan niya ang kanyang mga anak na magkaroon ng mabuting pakiramdam sa kanilang sarili.
Explanation:
Ang kahalagahan ng PAGTUPAD NG TUNGKULIN NG INA sa kanyang anak ay mahalaga sapagkat obligasyon ng isang ina na pangalagaan at siguraduhin na maayos ang kalagayan ng kanyang mga anak at tungkulin din ng isang ina na wag pabayaan ang kalusugan ng kanyang pamilya, at ang isang ina ang nag uudyok at nag tuturo sa kanyang mga anak na maging mabuti at magturo ng magagandang asal. Obligasyon din ng ina na ibigay ang sapat na pangangailangan ng kanyang mga anak. Paggabay sa kanyang anak pagmamahal at pagbibigay ng oras ang ipapabaon ng Ina sa kanyang mga anak, maging ganun din sa kanilang Ama.
Ang kahalagahan din ng PAGTUPAD NG TUNGKULIN NG ANAK sa kanyang Ina ay mainam sapagkat ang pagsunod sa utos ng Ina ay mas nakakabuti upang maituwid ng anak ang kamaliang gawain at hindi maudyok sa masamang impluwensya, maigi din na makinig sa Ina at wag silang suwayin may mga bagay ding ginugusto ng Ina na ibigay sa kanilang anak ang kaligayahan para rin sa ikabubuti at ikasasaya ng kanilang anak. May mga anak ring sumusuway sa kanilang Ina/magulang dahil hindi sila maiging nagagabayan at nabibigyan ng magandang asal o pakikitungo sa ibang tao o maging sa pamilya, naiimpluwensyahan ang anak kung ano ang kanyang kadalasang nakikita o nakasanayang gawin o asal ng kanyang nakakasama sa iba. Kayat mabuting sumunod at makinig sa magulang upang maituwid ang iyong sarili na maging mabuti sa lahat ng bagay at maging sa iyong magandang magiging kinabukasan.